20141008

yung gusto mo lang ng masasandalan saka makakakita at makakaintindi ng kung anong nararamdaman mo ngayon. konting yakap lang, ok na. basta alam mong nandyan sya at pwede kang sumandal sa kanya sa mga panahong mahina ka. yung kahit di ka magsalita e nakikita nyang may pinagdadaanan ka. na naiistress ka. kahit sa maliit na dahilan lang. tapos aakbayan ka nya.

yun lang naman sana. konting ganoon lang. konting malasakit sana. gusto ko lang yun maramdaman.

sana ikaw ang gumawa nun.

sana may makaintindi sa hinahanap ko. sana maintindihan mo. sana nakikita mo kahit halos araw-araw tayong nagkikita pero di kita nakakausap.

gusto ko lang sana na may sumalba sakin. kahit minsan lang. hindi naman palagi. ayoko rin naman kasing maging pabigat kahit kanino. pabigat na nga ako as is, kapal ko naman kung sadyain ko pang dagdagan. pero syempre, lahat ng tao may mga oras na sobrang nanlulumo sila. sobrang lungkot.

siguro sasabihin ng iba na parang, wala yan, mas mabigat dyan yung pinagdadaanan ko. eh, okay, problema mo na yun, problema ko rin to. di ko naman to dadamdamin kung wala lang 'to. mababaw na kung mababaw para sayo, pero ganun talaga. kahit gaano pa kababaw yan, dumadating din yung oras na pag sobrang tagal mo nang dinadala yung... problema? yung sitwasyon? eh... mapapagod ka rin.

sana mabasa mo to para maintindihan mo na kahit mukha akong masaya at tatanga-tanga sa totoong buhay, meron parin akong pakiramdam. mas pinipili ko lang na itago kung ano yung pinoproblema o nararamdaman ko, o yung hinahanap ko, kasi nga ayaw kong maging sagabal at pabigat sayo...

No comments:

Post a Comment