20091002

alam ko na kung ano kelangan mo. kelangan mo ng kausap at taga-payo. siguro kelangan mo rin ng kaibigan na pwedeng pagsabihan ng lahat ng bagay na naiisip mo. kelangan mo ng tao na makikinig at magkekwento. gusto mo may natututunan ka sa taong yun. para kang bata na naghahanap ng magulang. kelangan mo ng guidance, yung taong tutulong sayong tawirin ang buhay at ikukulong ka kung kelangan kang ikulong. gusto mo may taong mag-aalaga sayo o mag-aalala sayo. palakaibigan ka pero pili lang siguro yung napagsasabihan mo talaga ng mga isyu mo sa buhay.

gusto mo din, yung taong yun, tanggap ka kung sino ka. dapat marunong syang mag-isip para sa sarili nya, para sayo, at para sa inyong dalawa. dapat kaya nyang makisabay sayo at meron syang maipiprisintang bagong mundo sayo, kasi naghahanap ka rin ng mga bagong bagay na matututunan. gusto mo yung taong yun bukas ang pag-iisip, iba ang paniniwala at iba ang nalalaman. kaparehas mo pero kakaiba din. di kelangang matalino, basta maalam sa buhay. yung papayag syang utusan mo, pero payag ka ring utusan nya. gusto mo, kung pwede, lahat ng bagay maranasan nyo ng sabay, o kahit hindi sabay, basta maranasan man lang.

gusto mo malalim ang pang-unawa ng taong yun kasi pakiramdam mo mas malalim ang katauhan mo kumpara sa iba. bukas naman ang libro ng buhay mo sa kahit kanino, pero mas may mababasa yung taong yun, dahil pinapabasa mo at dahil marunong syang bumasa. hindi mo kasundo pag hindi marunong sumabay sa alon mo. hindi ka takot na mas magaling sya sayo, bagkus sya ang magiging ambisyon na gugustuhin mong abutin.

ang dapat sayo ay isang taong magsisilbing ilaw sa dilim na nilalakaran mo. o mapa para sa pupuntahan mo. kelangan mo ng direksyon sa buhay. marami kang alam pero di mo magamit kasi takot ka. pag nagkamali, nade-depress. idadaan mo ang mga bagay bagay sa tawanan hanggang sa di mo na kayang kimkimin, saka ka magpaparaya ng lungkot o galit. kaya kelangan mo ng kausap at karamay, para hindi maipon yung sama ng loob.

buhos kung buhos pag nagbibigay ka, pero naghahanap ka rin ng taong ganoon ang trato sayo.

...sino kaya yun...

No comments:

Post a Comment