20121030

tanggapin mo na kasing walaaaa. alam mo naman sa sarili mo na di talaga yun mangyayari e. alam mo na pero ayaw mo parin paniwalaan.

ayan sige na. iiyak mo nalang. ganun naman talaga e. isipin mo nalang, sa dami ng lalake sa mundo, isa lang, kung sakali, ang makakasama mo habambuhay. isa lang. marami kang makikita, pero isa lang talaga yung makakasama mo ng maayos. magiging bespren mo hanggang kamatayan.

siguro di pa sya yun. nalingat ka lang sandali. kalimutan mo nalang. kasi pag di mo kinalimutan, e hanggang kelan ka maghihintay? hanggang kelan mo sya hahanapin? hanggang kelan ka maghahanap ng acceptance from him?

eh ni hindi mo nga sya mahagilap e.

katangahan mo lang talaga pag umasa ka pa. katangahan nalang.

mahirap i-apply ang pagiging hopeless romantic sa isang bagay na sobrang liit naman ng possibility mangyari. kaya tama na. sasaktan mo lang sarili mo sa kakaasa.

No comments:

Post a Comment