ayan. natigil ako for a while sa pagbo-blog.
parang acceptance of someone's death lang to e. may part na shock, part na lungkot na lungkot, part na in denial, additional part na sensible thinking, and then yung part ng acceptance.
i'm most likely on the 4th or 5th now. just replace sadness with happiness and hope. ayan na formula mo.
ayoko na kasi e. araw-araw napapaisip ako ng mga "pano kaya kung...", tapos wala naman nangyayari.
di naman sa... i mean yeah naghihintay ako, sort of. kahit alam kong 0.00001% chance lang na mangyaring sya yung lumapit. kasi wala naman talaga to e. kalokohan lang. nagkataon lang na yung ilang segundo ng buhay ko e na-share ko sa kanya. yun lang yun.
kalokohan lang talaga to e, kaya nga dapat tigilan na. ambabaw lang ng utak ko kaya to tumagal e.
e... ayoko narin. tama na. matagal na ko nagmumukhang tanga. lagi nalang. tuwing may ganitong pagkakataon. siguro nga dapat maghintay nalang ako ng lalapit tapos sunggaban ko na kaagad para di na makawala LOL.
pero hindi e. di talaga ko ganun. kung di ko lang din kaya ibalik yung ginagawa nya, wag nalang. sayang lang lahat. pati effort nya sayang. oras namin. buhay namin. pupunta lang lahat sa basura o sa dead sea. ganun kapatay. ganun ka-stagnant. kaya wag nalang. at least kung di kami magkasama may chance pa sya maghanap ng ibang makakasukli sa kanya. although alam ko at pamilyar ako na baka bumaba ang self esteem nya dahil sakin.
pero, alam mo yun... di naman ako yung tipong dapat maging dahilan ng pagbaba ng self esteem. lol. wala akong kwentang tao para lagyan mo ng halaga yung sasabihin ko saka yung desisyon ko. kaya wag kang aasa or sasandal sa mga sasabihin or gagawin ko. masisira lang buhay mo.
siguro nga ganito nalang ako palagi.
i mean, pwede ko siguro gawin yung ako nga yung lalapit. pero... ewan ko. siguro kaya ko kung sa kaya. pakapalan lang naman ng mukha yan e. kaya ko nga magpakapal ng mukha pag kelangan ko magsalita sa harap ng maraming tao or taong mas mataas kesa sakin. shempre walang bastusan, pero pakapalan lang talaga ng mukha. tulakan lang kayo kung sinong unang tutumba. kaya ko yun e, baka kayanin ko ring ako yung lumapit. pero di talaga ganito yung tama e. di talaga ganito yung buhay na kinalakhan ko. saka ayoko na makaranas ulit nung pakiramdam na di sila kuntento sakin. tangina ayoko na maghabol. buong buhay ko naghahabol na ko. tama na yun.
kaya ayan. susubukan ko nang i-kundisyon yung utak ko para mag-isip na, ay, wala na nga. wala nang pag-asa. tumigil ka na teh. baliw ka na. hibang. obsession na yan. di na yan bastang crush. di mo na nga maalala mukha nya e. tumigil ka na. wala nang dahilang umasa ka.
No comments:
Post a Comment