gusto ko na umiyaaaaaak pero walang luhang lumalabas e. tsaka ayaw kong humikbi. pero gusto ko na talaga bawasan yung mga bagay na nagpapabigat sa puso ko. di lang to love life. kahit pano di naman ako ganoon ka lulong. marami pa kong ibang problema na di ko kayang bigyang boses. at sa tingin ko tama lang na di bigyang boses yung mga problemang yon, kasi kahit gamitan ko ng salita yung problema ko, di parin kayang i-describe ng salita yung nararamdaman ko. sana katulad sa eragon, alam nila yung mga real names ng bagay bagay tulad ng apoy, na ang tunay na pangalan ay brisingr. ganoon lang kadali. at di ka pwedeng magsinungaling pag ginamit mo ang old language. sana ganoon din sa totoong buhay. hahanap ka lang ng isang salita, tapos pag nasabi mo yung salitang yun... poof! wala ka nang kunsumisyon. ganoon kadali.
masarap mabuhay pag alam mo ang ginagawa mo at meron kang kasamang pwede mong pagsabihan ng kahit ano. si briks, thank you sobra sa lahat ng oras na nakinig ka sa rants ko, whether good or bad rants. you don't know how much it means to me and how much it helps me get through the day. oo may blog ako pero di nakakapagreact ang blog. tsaka kahit pano parehas tayong nakakakuha ng payo sa isa't isa tsaka parehas tayo ng nararamdaman sa ngayon. parehas din tayong problemado sa love life hahahaha. sa puntong ito, as in itong punto, nangiti ako tsaka naramdaman kong gumaan ng onti ang pakiramdam ko. haaaaayyy. sarap. pero kulang pa eh. may kailangan talaga akong sabihin pa pero di ko alam kung ano.
gusto ko lang makita si FSM.
hinde fhm yan FSM. naku tingnan mo ang keyboard mo.
gusto ko lang sya makita ng matagalan. tapos makilala pa sya ng husto. parang mabait kasi sya. tsaka... gusto ko nanaman umiyak. mabait kasi sya tsaka madali makisama. tsaka di sya judgmental. tsaka pag nakikita ko sya, parang nararamdaman ko na, siguro masarap sya maging kaclose. di ko kelangan ng boypren o sex partner ika nga. di ko kelangan ng ganoong aktibidad. actually against ako dun, pero di ko naman pipigilan ang iba sa ganoong gawain. parang masaya lang sya kaclose kasi mukang malambing sya pag close kayo. tsaka parang kuya ko narin. 2 years ata agwat namin i think. nanibago ako once nung nakita ko sya na pure black yung hair nya, pero wala pa sya nun sakin. ngayon lang talaga. sobrang apektado ako kasi parang, andyan na sya pero hanggang tingin lang ako. no interactions. pero kung papipiliin ako sa di ko sya kilala at sa nagpaplastikan kami, dun nalang ako sa di ko sya kilala. masakit man sa loob.
good night na. matutulog na ko at problemado padin ako sa VMA.
sinulat ni "gitlinglikesme":
ReplyDeletehahaha! salamat s pagtitiwala. hehehe.. wag k mtakot lumapit s taong gusto m. nakakaba pero pag nndun k n..relax lang. heehe.. kasi pnu m mkikilala kung hndi kau mgiging close?..pero d ibigsbhin nun n ggmitin m ang friendship pra mging close. mawawala nmn din ksi ung nakakailang n feeling kung mging close n kau..(yikes! as if telling from experience hahaha!. ska kung mging friends nmn n talga kau as in friends n talaga.. mas komportable n kau s isat isa. un lang.. different level n un.. more serious n siguro un kumpara s crush..hahaha!..o sya! [edited] (done) n ko dito s lovelife..hahahahha!