20080713

nakita ko at nakaramdam ako ng kaunting kaunting inggit at mas malaking lungkot. syempre naman wala akong binatbat sa kasama nya. nainggit ako dahil close sila. pero mas nalungkot ako, knowing that i have no chance at all, kahit katiting. alam kong hanggang tingin nalang ako. hanggang masid lang. hanggang sa may tumayo na sa pinapangarap kong lugar o kalagayan, masid parin ang kaya kong gawin at wala nang iba. hindi ba, nakakapanghinayang? nakikita mo pero wala kang magawa. may nakikita kang natutuwa at may lakas kang magpasaya ng iba, pero ang sarili mo, hanggang kalungkutan lang ang naaabot. hay. miserable nga naman talaga ang buhay.

manhid. manhid ka, kaya magpapamanhid nalang din ako.

No comments:

Post a Comment