Di ko alam kung sinong kayang umintindi sakin. O baka talagang gago ako kaya di ako maintindihan. Baka kahit anong effort mo maging mabuting anak, pag pinanganak kang gago, wala ka nang mababago dun. Baka nga talagang gago lang ako. Sorry. Kanina iniisip ko buti nalang di nabuhay yung 2 kong kapatid para di nila to nararanasan. Then again parang buti nga at di sila nabuhay kasi malamang di nila to deserve, kasi kunsakali ako lang naman yung magiging gago samin. Para di na nila makita yung kagaguhan ko. Parang wala naman akong tamang nagagawa? O kulang palagi? O dahil siguro gago ako kaya di ako marunong rumespeto? Pakiramdam ko naman yun lang yung paraan ko mag cope pero parang mali parin? I dont mean to defend my actions pero i mean parang nawawalan na ako ng pag asa mag effort kasi parang mali lahat ng reactions ko? Like im supposed to be respectful and not think of it as stupid or offensive or.. ewan, makulit? Siguro nga ako yung may maling judgment? Which happens a lot. At mahirap yung di ko napapansin na mali ang judgment ko until sumabog na. Parang mas ok nalang na wala akong kakilala para wala akong maoffend? Or... i dunno. Pwede pa ba to icorrect? May shortcut ba para marealize ko lahat ng katangahan ko bago mangyari? O talagang pinanganak akong bastos? Pakiramdam ko parang wala akong karapatan mapikon o magalit kasi wala pa naman akong alam sa buhay? Minsan lang di ko talaga maintindihan na may mga bagay na kailangan pag usapan e kung ako naman yung nasa pwesto kaya ko naman isolve mag isa? O baka nasanay ako mashadong maging loner kaya ineexpect ko rin na ganun ang ibang tao. Then again ano naman ang status ng social life ko. Nabubulok na. Di ko rin talaga alam e. Di rin talaga ko marunong e. Sadyang tanga lang ata talaga.
No comments:
Post a Comment